291 week ago — 3 min read
Kamakailan, ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan bilang paggunita sa mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay sa Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig para sa tinatamasa nating kalayaan.
Sa makasaysayang araw na ito, hindi lamang ang mga bayaning nagpakita ng tapang at giting ang nais nating kilalanin, kundi nais din natin kilalanin ang mga modernong bayani na nagpamalas ng dedikasyon at commitment upang magbigay ng serbisyo at oportunidad sa ibang tao: ang mga negosyante, partikular ang small and medium enterprises (SMEs).
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), 99.8% ng mga nakarehistrong negosyo sa Pilipinas ay SMEs; sila ang nagsisilbing backbone ng ating ekonomiya, sa pagbibigay oportunidad o trabaho sa 70% ng working population ng bansa. Sa kabila ng mahalagang papel na kanilang ginagampanan, kakaunti lamang ang pagkilala na iginagawad sa kanila.
Kaakibat pa nito ay ang mga hamon na kinakaharap nila para mapalago ang kanilang negosyo – mula sa pagrerehistro, pagbabayad ng buwis, pagliliikom ng sapat na puhunan, hanggang sa pag-hire ng tamang tao para maging kasangga nila sa pagpapalakad ng kanilang negosyo.
Kaya naman, isang malaking pagbabago rin na maituturing para sa mga SMEs ang pagkakaroon ng mga serbisyo at oportunidad para matugunan ang kanilang pangangailangan. Isa na rito ang pagkakaroon ng mga programa ng DTI tulad ng Mentor ME. Malaking tulong din ang naidudulot ng UnionBank GlobalLinker upang magsama-sama ang SMEs sa buong Pilipinas at magkaroon ng isang platform para sa kanila.
Bukod dito, natutugunan din ang problema ng SMEs sa paglikom ng sapat na puhunan sa tulong ng SeedIn, na may layuning tulungan ang SMEs na mapalago ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng short-term loans. Nandiyan din ang Taxumo upang maging kasangga ng SMEs sa pagbabayad ng kanilang buwis. Kung nais naman ng SMEs magtayo ng sariling e-commerce site na libre, maaari silang gumawa nito sa tulong ng LINKER.store.
Ilan lamang ito sa mga serbisyo at oportunidad na maaaring gamitin ng SMEs. Tanda na nabibigyang pagkilala na rin ang mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa bansa at sa ating ekonomiya. Kaya salamat sa magigiting na SMEs sa walang sawang pagtataguyod ng inyong negosyo. Saludo kami sa hindi niyo pagsuko at pagpanalo sa kanya-kanya niyong hamon sa buhay.
Dahil sa inyo, nabigyan ng oportunidad ang mga tao na makapag-hanapbuhay, nakatulong kayo sa pag-angat ng ekonomiya, nakapaglaan kayo ng serbisyo at produkto para sa ibang tao, at higit sa lahat, nagsilbi kayong inspirasyon dahil sa inyong pagsusumikap at pagtitiyaga. Pinatunayan niyo na walang imposible sa taong lumalaban at hindi sumusuko.
Muli, isang pagpupugay para sa ating mga modernong bayani! Nawa’y magkaroon pa ng mas maraming oportunidad para sa SMEs upang mas mapalago ang kanilang negosyo.
Most read this week
Comments (1)
Please login or Register to join the discussion